UPANG maging matagumpay ang pagpapatupad sa enhanced community quarantine (ECQ), pinarusahan ng barangay officials ang mga lumabag sa Brgy. Novaliches Proper na sakop ng lungsod na ito
Sa Barangay Gulod sa nasabing distrito ng Quezon City, iba’t ibang parusa ang ipinataw para bigyan ng leksiyon mga pasaway na ayaw manahimik sa bahay at gumagala ng walang face mask.
Ang iba ay pinag-ehersisyo ng limang oras, pinagbuhat ng sako ng bigas at relief good, pinaglinis, pinagwalis at pinag-bunot ng damo.
Habang ang mga menor ay pinag-squat saka inimbitahan ang mga magulang.
Sinabi ni Brgy. Gulod Chairman Ray Allan Tolentino, layunin ng pagpaparusa ay maipatupad ang istriktong pagbabantay para maging matagumpay ang ECQ upang hindi kumalat ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Ang Brgy. Novaliches Proper ay kabilang sa 34 na barangay na isinailalim sa extreme enhanced community quarantine (EECQ) dahil sa rami ng coronavirus cases.
Samantala, sa Caloocan City pinaglakad ng nakatali sa lubid ang mga inarestong nasa kalye.
Sinabi ni PCol. Dario Menor, hepe ng Caloocan City, magsilbing aral ang pagdakip at pagpaparusa sa mga pasaway. EVELYN GARCIA
Comments are closed.