IBA’T IBANG SIMBAHAN NA MAAARING PUNTAHAN NGA-YONG SEMANA SANTA

QUIAPO CHURCH

(Ni PATRICIA CELINE R. SALAS)

NAG-UMPISA na ang linggo ng Mahal na Araw. Lunes pa lang ay may mga deboto nang naunang mag-Visita Iglesia upang hindi na rin makasabay sa maraming tao na nagdudulot ng trapiko.

Ang Visita Iglesia o tinatawag din na “Way of the Cross” ay kadalasang ginagawa sa Huwebes o Maundy Thursday.

Sa araw na ito nagpupunta ang bawat pamilya sa iba’t ibang simbahan upang magdasal at alalahanin ang lahat ng mga paghihirap na pinagdaanan ni He­sukristo.

At dahil ang Mahal na Araw ay palaging natatapat sa araw ng tag-init o summer time, may iilan sa atin ang hindi na nagagawang mag-Visita Iglesia dahil na rin sa sobrang init ng panahon at matinding traffic.

Ngunit alam niyo ba na hindi na kaila­ngan pang lumayo upang makapunta sa iba’t ibang simbahan para makapagdasal.

Kung ikaw ay taga-Maynila, maraming magaganda at maka­sa­y­sayang simbahan ang matatagpuan dito na puwedeng puntahan ngayon Semana Santa gaya na lang ng mga sumusunod:

SAN AGUSTIN CHURCH

Nangunguna sa listahan ang San Agustin Church na kinikilala rin bilang pinakamatandang simbahan sa kasaysayan ng Filipinas. Naitayo ito sa pagi-tan ng 1587 at 1606.

SAN SEBASTIAN CHURCH

Pangalawa naman ang San Sebastian Church o Basilica na kilala rin dahil sa kakaiba o gothic revival architecture sa Filipinas. Ito ang kaisa-isang steel building church sa bansa at naging National Historical Landmark noong 1973 at National Culture Treasure noong 2011.

MINOR BASILICA AND METROPOLITAN CATHEDRAL OF THE IMMACULATE CONCEPCION

Ikatlo naman sa maaaring dayuhing simbahan ang Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Concepcion. O mas kilala sa tawag na Manila Cathedral.

Naging tanyag ito dahil sa nangyaring trahedya sa kasaysayan na ni-rebuilt ng pitong beses matapos masira ang buong simbahan sa pagsabog noong World War II.

MINOR BASILICA OF ST. LORENZO RUIZ O BINONDO CHURCH

Ang ikaapat naman ay ang Minor Basilica of St. Lorenzo Ruiz o mas kilala sa tawag na Binondo Church. Kilala naman itong itinatag ng mga pari ng Dominicano upang maglingkod sa mga Tsino na nagpa-convert bilang Kristiyano.

OUR LADY OF REMEDIES PARISH O MALATE CHURCH

Panglima sa listahan ay ang Our Lady of Remedies Parish o mas kilala sa tawag na Malate Church. Nakilala naman ito dahil sa “Baroque Style”. Ta­naw rin mula sa simbahan ang Plaza Rajah Sulayman at Manila Bay.

QUIAPO CHURCH O MINOR BASILICA OF THE BLACK NAZARENE

Ang huli naman sa listahan ay ang Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilala sa tawag na Quiapo Church, na kilala rin sa pagdidiwang sa taunang kapistahan ng Itim na Nazareno na ginaganap tuwing ika-siyam ng ­Enero.

Masasabing mahalaga ang Mahal na Araw para sa mga napakara­ming pamilya dahil nasa 81% ng mga Filipino ay Kristiyano.

Kaya naman ang Visita Iglesia ay isa lamang sa mga iba’t ibang tradisyon ng mga Filipino sa tuwing sumasapit ang Mahal Na Araw na mahalagang bahagi na ng ating buhay. (photo credits: lonelyplanet.com, manilacathedral.com.ph, malatecatholicchurch.org)

Comments are closed.