IBAYONG PAG-IINGAT

STROKE, heart attack, diabetes, kidney failure at iba pa.

Iyan ang pangunahing sakit na nagdudulot ng maagang kamatayan at ang pinagmulan ay lifestyle.

Walang sini-sino ang mga nabanggit na deadly illness.

Lahat ay kandidato at depende sa lifestyle.

Kung mahilig kumain ng matamis, otomatikong dadapuan ng diabetes na madaragdagan pa ng dagdag timbang na sanhi rin ng heart disease.

Ang kulang sa ehersisyo at sapat na pahinga ay sanhi rin ng mga naturang sakit.

Ang labis na pagkahilig sa mamantika at maalat na pagkain ay nagdudulot din ng kidney disease.

Habang ang sobrang stress sa problema, personal man o trabaho ay nagreresulta ng biglaang kamatayan kapag na-stroke.

Dahil sa mga kinakain ngayon na puro instant, maalat at tadtad ng kemikal, pabata nang pabata ang namamatay sa kidney failure at diabetes.

Ilang social media personalities ang napaulat dahil sa maagang kamatayan sanhi ng diabetiko at dahil nakatutok sa computer kung ano-ano ang kinakain at iniinom na matatamis.

Mayroong iniulat na namatay sa kidney failure, at stroke dahil sa stress sa online games.

Hinay-hinay lang sa ating lifestyle living.

Dahil mabilis ang takbo ng buhay, gayahin natin ang mga lolo at lola nating nabubuhay pa na ang sikreto sa buhay ay huwag masyadong mag-isip lalo na sa hindi naman nila problema.

Sabi nga, chill lang!