NAPANATILI ni Filipino boxer Pedro Taduran ang kanyang IBF minimumweight championship matapos ang abbreviated showdown kay Daniel Valladares ng Mexico sa Guadalupe noong Sabado ng gabi (Linggo sa Manila).
Ang dalawa ay nagbakbakan sa apat na rounds bago inihinto ang laban dahil sa cut sa kanang mata ng Mexican fighter.
Ang iskor ay 39-37 pabor kay Valladares, at 38-38, 38-38. Ang majority decision draw ay nangahulugan na napanatili ng 23-anyos na si Taduran ang korona.
Ito ang unang matagumpay na pagdepensa ni Taduran sa titulo na kanyang napanalunan noong September 2019 nang talunin niya si Samuel Salva sa Taguig. Umangat ang Pinoy pug sa 14-2-1 habang bumagsak si Valladares sa 22-1-1.
Comments are closed.