SINGAPORE – Idaraos ng Foundation ng FIBA, ang International Basketball Foundation (IBF), ang first IBF Youth Leadership Seminar dito, na lalahukan ng 15 kinatawan mula sa South East Asia at Pacific Region sa Hunyo 22-24.
Ang mga participant sa seminar ay sasailalim sa intensibong leadership training sa layuning makabuo ng isang FIBA-sanctioned U18 Mixed National 3×3 tournament sa kani-kanilang bansa.
Ituturo sa bawat indibidwal ang kasalimuutan ng pamamahala sa isang FIBA-sanctioned 3X3 tourney. Susuportahan at popondohan ng FIBA ang U18 3×3 Mixed tournament bilang paghahanda sa Youth Leaders Basketball Cup.
Ang national tournaments ay magiging official qualifiers para sa Youth Leaders Basketball Cup sa Setyembre 7-10, 2018 sa Bali, Indonesia, at ang mga mananalong koponan ay kakatawanin ang kanilang bansa sa final tournament.
Ang seminar ay pangangasiwaan ni Mthoko Madonda, ang dating captain ng South African Basketball national team at founder ng Reach Sports Management. Pinamahalaan ni Madonda ang IBF 3×3 Young Lions Cup sa Antilles noong nakaraang taon.
“We are excited to be working with IBF on the Youth Leadershup Cup again. We are looking forward to meeting 15 amazing youth leaders from South East Asia and the Pacific and providing them with leadership and Basketball for Good training,” wika ni Mthoko.
Ang mga kalahok na bansa at ang kani-kanilang kinatawan sa Youth Leadership Seminar ay ang mga sumusunod: INDONESIA – Laurentius Oei; SINGAPORE – Wan Qing Chin; BRUNEI – Ruby Ang; MALAYSIA – Zhong Shin Thea; wCAMBODIA – Sunleang Dy; MYANMAR – Min Zin Thun; THAILAND – Pornutcha Sawatong; VIETNAM – Lam Quach Trung; NORTHERN MARIANA ISLANDS – Liamwar Rangamar; PAPUA NEW GUINEA – Anderson Hewe; PHILIPPINES – Amanda Alejandrino; GUAM – Kali Benavente; LAOS – Vontavanh Kompadith; TIMOR LESTE – Virinia Da Cruz; at FIJI – Tiyana Kainamoli.
Comments are closed.