(Ibinabala kung ‘di magiging sapat ang ayuda) GUTOM SA NCR PLUS

SEN IMEE MARCOS-2

GUTOM lang ang mararanasan sa NCR Plus bubble kung wala rin namang sapat na social protection gaya ng  pagkain at ayuda sa mga residente nito.

Ito ang ibinabala ni Senadora Imee Marcos kasunod ng pahayag ng Malakanyang na tig-P1,000 lamang ang ayuda sa mga residenteng apektado ng extended enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at apat na probinsya —  Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

“Talagang kulang ang Php1 thousand —  kahit wala nang karneng manok o baboy ‘yan! Kaya tigilan na ‘yang pangkalahatang ECQ ng NCR plus plus. ‘Di naman bumababa ang impeksiyon, kundi sabay na tumataas ang bilang ng infected at pati ng unemployed,” wika ni Marcos, chairperson ng Senate Committee on Economic Affairs.

“Dapat MECQ lang at sa diskarte ng LGU ‘yung targeted, localized lockdowns. Matapos isang taon na close-open, ‘di pa tayo nadadala. ECQ is useless suffering without:  1) Complete medical protocols — testing, contact tracing, vaccination 2)          Social protection for all in need,” dagdag pa ni Marcos

“Kung wala ‘yang dalawang ‘yan,  na MECQ lang ang kaya natin, giving local chief executives the power and judgment to declare localized lockdowns.”

Dagdag ng senadora, may pananagutan ang LGU kapag ‘di nakarating sa tamang tao ang ayuda kasabay ng pag-amin na walang maayos na listahan ang DSWD kundi sa 4Ps (Pantawad Pamilyang Pilipino Program) at wala ring lista o database ang DOLE kundi formal workers na de kontrata.

“Ang LGU na lang ang tinatakbuhan — na kung matino, suwerte. Kung hindi, “e ‘di iboto kami sa 2022!” A la tsamba na lang ang kakarampot na ayuda!,” diin ni Marcos

Aniya, dapat ayusin ang listahan hindi lang bago mag-distribute ng tulong kundi pati na rin pagkatapos mabigyan at isapubliko sa mga FB page ng mga LGU ang mga pangalan ng mga nabigyan na ng ayuda para ma-monitor din ng mga nasasakupan nila.

Nakikiusap naman si Marcos sa LGUs na maging istrikto sa pagbabantay sa mga distansiya ng mga mabibigyan ng ayuda.

“Kung hindi kayang magbahay-bahay, i-schedule nang maayos ang distribution. Huwag sabay-sabay na pinapupunta lalo ang mga PWD (persons with disabilities) at mga lola. Kung puwede, lahat ng apelyidong “A” sa 8:00 to 9:00 a.m., yung “M” sa hapon na, ‘yung “T” i-bukas na,” panukala pa ni Marcos

Kaugnay nito, binatikos  ni Senador Panfilo Lacson ang tila naka-auto pilot na pagtugon sa tumitinding health crisis sa bansa.

Ani Lacson, sobrang malas ng mga Pinoy dahil nakikitang  walang in-charge sa pagpuksa sa COVID-19.

“The coronavirus has gone berserk. While it is on ‘at-will’ mode, we are like, on autopilot. We can’t feel someone is in charge. Sobrang malas!” sabi ni Lacson. VICKY CERVALES

4 thoughts on “(Ibinabala kung ‘di magiging sapat ang ayuda) GUTOM SA NCR PLUS”

  1. 736141 825561Youre so cool! I dont suppose Ive read anything like this before. So good to search out any individual with some original thoughts on this subject. realy thank you for starting this up. this web site is 1 thing thats wanted on the web, somebody with a bit of originality. helpful job for bringing something new towards the internet! 168128

Leave a Reply

Your email address will not be published.