NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) sa mga mananakay hinggil sa lumalabas na pekeng mga certificates mula umano sa Commission on Filipinos Overseas (CFO) na ibinebenta ng mga scammer.
Nag-isyu si BI Commissioner Norman Tansingco ng babala kasunod ng pagkakasabat sa dalawang papaalis na Filipina na may dalang pekeng Guidance and Counseling Program (GCP) certificates sa Ninoy Aquino International Airport.
Ang GCP ay kinakailangan para sa pre-departure seminar na isinasagawa ng CFO upang mamulat ang mga Pilipino sa intermarriages at bi-national relationships ay may impormasyon sa realidad sa social at kultura sa ibang bansa.
Ang nasabing certificate ay nagpapatunay na sumailalim ang may hawak nito GCP at maaari itong makaalis ng bansa.
Ang nasabing pasahero na dalawang beses tinangkang umalis ng bansa ay nasabat ng mga primary inspector dahil sa kaduda-duda ang kanilang dokumento at wala ring maipakitang official digital copy ng certificate na inisyu ng CFO.
Ayon sa isang biktima, sinabi nito na nakuha niya ang nasabing certificate sa isang nagpakilala sa kanya malapit sa tanggapan ng CFO sa halagang P2,000 habang ang isa ay sa halagang P5,000.
“The government imposed the pre-departure counseling services to deter trafficking in the guise of marriage and the mail-order bride scheme. This is also to ensure that migrating Filipinos know their available support network abroad in times of distress,” ayon sa BI Chief. “Always verify the legitimacy of your transactions with authorized CFO agents only,” dagdag pa nito.
Ang dalawang babae ay nasa kustodiya na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para imbestigahan.
PAUL ROLDAN