(Ibinabala ng DA) TAAS-PRESYO SA GULAY

NAGBABALA ang Department of Agriculture (DA) sa posibleng pagtaas ng presyo ng gulay dahil sa masungit na panahon.

Ayon sa DA, ang masamang panahon ay maaaring makaapekto sa produksiyon ng gulay sa Benguet.

Sa kasalukuyan, ang presyo ng gulay ay nananatiling matatag kung saan ang repolyo lamang ang nagmahal na mula P12 kada kilo ay naging P16-P18 kada kilo.

Samantala, tumaas naman ng P20 kada kilo ang presyo ng manok sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Wala namang paggalaw sa presyo ng seafood sa kabila ng pag-ulan sa  Metro Manila, gayundin sa demand nito.