(Ibinabala ng DA)P5/KILO NA TAAS-PRESYO SA BIGAS

NAGBABALA ang Department of Agriculture (DA) na posibleng tumaas ang presyo ng bigas ng hanggang P5 kada kilo dahil sa pagmahal ng palay at mababang buffer stock.

Sa ngayon, ayon sa DA, ang presyo ng kada kilo ng palay ay umaabot sa P23, na mas mataas sa P19 na procurement price ng National Food Authority (NFA).

Bukod dito, sinabi ng ahensiya na mababa rin ang government at commercial inventory ng buffer stock ng bigas.

Ayon sa DA, 51 araw lang ang buffer stock ng bigas sa ngayon gayong ang ideal ay 90 araw.