(Ibinabala ng DOE dahil sa pagnipis ng supply) TAAS-SINGIL SA KORYENTE

Felix William Fuentebella

NAGBABALA kahapon ang Department of Energy (DOE) na maaaring makaranas ng mas mataas na singil sa koryente ang mga consumer sa Luzon dahil sa pagnipis ng power supply, na naging dahilan ng pagsasailalim sa Luzon grid sa yellow at red alert sa loob ng tatlong magkakasunod na araw nitong linggo.

Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, malaki ang tsansa na tumaas ang singil sa koryente dahil sa mataas na demand nito at mababang suplay.

“Puwedeng mangyari na tumaas ang singil dahil sa kakulangan ng supply,” sabi ni Fuentebella.

Itinulad ng opisyal ang posibleng sitwasyon sa law of supply and demand, kung saan kapag kapos ang supply subalit mataas ang demand ay tataas ang presyo ng bilihin.

Ang mga serye ng red at yellow alerts sa Luzon power grid sa loob ng tatlong magkakasunod na araw nitong linggo ay nagdulot ng rotational brownouts.

Isinisi naman ng DOE sa pribadong sektor ang naganap na serye ng power outages sa Luzon.

Ayon sa ahensiya, ang pagnipis ng supply na nagresulta sa power outages sa tatlong magkakasunod na araw ay sanhi ng unplanned o forced outages ng mga  generation plant na pag-aari ng pribadong sektor.

44 thoughts on “(Ibinabala ng DOE dahil sa pagnipis ng supply) TAAS-SINGIL SA KORYENTE”

  1. 702543 199084Awesome material you fellas got these. I truly like the theme for the website along with how you organized a person who. Its a marvelous job For certain i will come back and check out you out sometime. 46475

  2. 907956 181150I dont feel Ive seen all the angles of this subject the way youve pointed them out. Youre a true star, a rock star man. Youve got so significantly to say and know so much about the topic that I feel you should just teach a class about it 13288

Comments are closed.