MARAMI pang yellow at red alerts ang inaasahan sa mga susunod na linggo dahil nalampasan na ng bansa ang tinatayang demand nito sa harap ng umiiral na heat levels sa gitna ng El Niño phenomenon, ayon sa Department of Energy (DOE).
Sinabi ni DOE Undersecretary Rowena Cristina Guevarra na ang mga alerto ay dedepende sa kalagayan ng mga planta, at maaaring umabot sa red alert status kapag ang mga planta ay nagkaroon ng unscheduled outages tulad ng inaasahan sa kaagahan ng buwan.
“What we expect is that in the next few weeks until middle of May, we are going to have yellow alerts and possibly red alerts in some areas,” sabi ni Guevarra.
“If none of our plants are going to go offline, then perhaps it’s just yellow alert but as you’ve noticed in the past week, several plants went offline and that resulted in having red alerts so that one we cannot predict,” dagdag pa niya.
Ang major grids ng bansa ay isinailalim sa yellow alert nitong Huwebes, nangangahulugan na ang operating margins ay hindi sapat upang tugunan ang contingency requirements ng transmission grids’
Ang Luzon grid ay mula 1 p.m. hanggang 5 p.m. at mula 7 p.m. hanggang 11 p.m., habang ang Visayas grid ay mula 1 p.m. hanggang 4 p.m., mula 6 p.m. hanggang 7 p.m., at mula 8 p.m. hanggang 9 p.m.
“We can only predict the demand increase based on the heat index and we can see that there will be yellow alert based on the head index alert,” sabi pa ni Guevarra.