IBINABALA NG DOLE: PEKENG E-MAIL SOLICITATION

Secretary Silvestre Bello III-4

NAGBABALA ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko laban sa bogus electronic solicitation letter na humihingi ng monetary donations.

“This e-mail is fake and completely bogus. We encourage everyone to be vigilant (and) also to report similar incidents to us so that we can conduct our own investigation,” wika ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Sa isang memorandum, sinabi ni Bello na isang e-mail ang natanggap ng iba’t ibang DOLE regional offices at attached agencies na umano’y nanggaling sa  Administrative Service ng ahensiya.

Nakasaad sa bogus solicitation letter na nanghihingi ang DOLE ng minimum cash donation na USD100 para sa umano’y leukemia patients at orphans.

Ang e-mail na may subject na “Donation request 2019/2020” ay ipinadala noong Dec. 26, 2019 at ginamit ang email address na [email protected] (corn, not .com).

Pinayuhan ni Bello ang publiko, gayundin ang heads ng DOLE offices, bureaus, attached agencies, regional offi­ces, at Philippine Overseas Labor Offices na maging mapagbantay at agad na i-report ang ka­tulad na ilegal na gawain.    PNA

Comments are closed.