(Ibinabala ng farmers’ group)TAAS-PRESYO SA IMPORTED NA BIGAS

IMPORTED RICE

POSIBLENG tumaas ng P4 hanggang P5 ang presyo ng imported na bigas sa bansa bago matapos ang 2022, ayon sa isang grupo ng mga magsasaka.

Sinabi ng Federation of Free Farmers (FFF) na dahil ito sa ipinatupad na export ban ng India, ang pinakamalaking exporter ng bigas sa buong mundo, sa broken rice at sa ipinataw nilang 20 porsiyentong export tax sa ibang klase ng bigas simula noong Setyembre 9.

Ayon sa FFF, tinatayang nasa 40 porsiyento ng rice shipments sa buong mundo ang nagmumula sa India, na nag-e-export sa 150 bansa.

Ani Raul Montemayor, national manager ng FFF, kaunti man ang inaangkat ng Pilipinas mula India ay makaaapekto ito sa presyo ng bigas sa ibang bansa tulad ng Vietnam at Thailand.

Mabenta rin, aniya, sa mga pamilihan sa Pilipinas ang imported na bigas.