Ibinabala ng kongresista – TAAS-PRESYO SA BIGAS

BIGASAN

NAGBABADYANG tumaas ang presyo ng bigas sa bansa.

Ito ang ibinabala ni Magsasaka Party-list Rep. Argel Joseph Cabatbat dahil, aniya, sa binubuong cartel ng mga rice-exporting country tulad ng Thailand at Vietnam.

Dahil dito ay tinitingnan ng Department of Agriculture (DA) ang India bilang alternatibong pagkukunan ng bigas ng bansa.

“Nitong nakaraan, ang DA tumitingin na sa India for our supply of rice kasi nga baka magmahal na ang benta sa atin ng mga traditional countries na nagbibigay sa atin ng bigas, katulad ng Vietnam at Thailand,” wika ni Cabatbat.

Aniya, epekto rin ito ng Rice Tarrification Law.

“Masyado kasi tayong umaasa sa ibang bansa for our supply of rice, so nakikita namin ang solusyon talaga for the country [is] to produce more rice. ‘Yan ‘yong talagang long-term solution,” dagdag pa niya.