MAHIGPIT na binalaan kahapon ni Presidente Rodrigo Duterte ang mga rice trader na hindi siya mangingiming gamitin ang kanyang ‘emergency powers’ laban sa mga ito kapag may nakita siyang anumang iregularidad sa gitna ng krisis sa bigas.
“Now, I’m just warning the traders, lalo na ang tiyan ng Filipino. Do not force me to resort to emergency measure. Because if you do that and time is very limited, I will not allow Filipinos to go hungry,” wika ni Duterte bago siya umalis patungong Israel kahapon.
“Pero kung may nakita ako na hoarding, kalokohan, I will not hesitate to exercise the powers of the President and I will ask the military and the police to raid your warehouses, bodegas. And I will just get your—subject of course to just compensation,” sabi pa ni Duterte.
Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ay binalaan ng Pangulo ang rice hoarders, cartels at kanilang mga protektor na itigil ang panloloko sa mga tao o maparusahan.
Nauna nang sinabi ni presidential spokesman Harry Roque na pinayagan na ng National Food Authority (NFA) Council ang pribadong sektor na umangkat ng bigas upang madagdagan ang supply at mapatatag ang presyo.
Comments are closed.