(Ibinabala sa dagdag-discount ng seniors, PWDs sa groceries) PRICE HIKE SA MGA BILIHIN

NAGBABALA ang ilang negosyante na tataas ang presyo ng mga bilihin kapag pinilit silang saluhin ang dagdag-diskuwento sa groceries at mga pangunahing pangangailangan ng senior citizens at persons with disabilities simula ngayong Marso.

Ayon sa Philippine Consumer Centric Trader Association, maaring unang tamaan ng nabanggit na dagdag- diskuwento ang basic at canned commodities.

Sinabi ni PCCTA president Carlos Caboochan na sumusunod ang mga retailer sa itinatakda sa suggested retail price kaya pag-iisipan ng mga ito kung ibebenta pa ang mga bilihin na mababa ang kita.

Para naman kay Steven Cua, Executive Director ng Philippine Amalgamated Supermarkets Associations, ipapasa rin ng mga negosyante sa mga consumer ang dagdag-diskuwento.

Giit pa ng grupo, kawawa ang mga hindi senior  at PWD, dahil sila ang sasalo sa dagdag-diskuwento.