TARLAC-Dahil sa pinaigting na Military Operations ng 3rd Mechanized Infantry Battalion, Armor Division, Philippine Army sa ilalim ng 7th Infantry (KAUGNAY) Division, limang matataas na kalibre ng baril na gamit ng mga New Peoples Army (NPA) ng Komiteng Larangang Guerrilla Tarlac-Zambales (KLG-TARZAM) ang natunton sa Sitio Tala, Brgy. Burgos, San Jose sa lalawigang ito.
Sa report na tinanggap ni 7ID Commander MGen Andrew D Costelo, pag-aari ng Communist Terrorist Group’s ang mga natagpuang armas.
Nahukay sa madawag na lugar ang isang Galil, 2 M16 rifles ,isang M203 Grenade Launcher isang shotgun mga bala ng M16 at 18 na 40MM granade launcher.
Sinabi pa ng opisyal na resulta ito sa pinaigting kampanya upang tuluyan ng matuldukan ang local communist armed conflict.
Nabatid na maraming taga Barangay ang galit na galit sa pananakot at pangingikil ng teroristang grupo kaya naman sila na mismo ang nagsusumbong sa awtoridad ng kanilang kinaroroonan.
Ayon naman kay Lt Col Jeszer M Bautista, Commanding Officer 3rd Mechanized Infantry Battalion na ang pagkakatuklas sa kinaroroonan ng mga armas na ito ay nagpapatunay lamang na ang ating mga kababayan ay naghahangad na protektahan ang kanilang komunidad laban sa mga terorista. THONY ARCENAL