(Ibinasura ng LTFRB)PAGBABALIK NG ILANG RUTA SA U-BELT

HINDI pinayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling ng isang transport group na ibalik ang ilang ruta na konektado sa university belt.

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Boy Vargas, presidente ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), na lumapit ito sa LTFRB para ibalik ang mga ruta ng Francisco Homes–Araneta Center, Lagro-Cubao–Araneta Center, Antipolo Cubao via Cubao, at Antipolo-JRU.

Ngunit ang tanging binuksan lamang ay ang mga ruta ng Bulacan at Cavite na papuntang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ipinaliwanag naman ni Vargas ang importansiya ng pagbubukas ng mga ruta sa u-belt.

Giit pa ni Vargas, kung magsasagawa ang LTFRB ng pag-aaral patungkol sa mga ruta ay dapat isama sila ng mga ito.

DWIZ 882