IBINAWAL NA PAMPAGANDA, SKIMMING DEVICE NASABAT

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang beauty products, skimming devices, mga branded na sapatos at collector’s item na aabot sa P40 milyon.

Ayon kay Commissioner Isidro Lapeña, nakumpiska sa Pair Cargo ang 6,500 piraso ng beauty products at 182 packages ng  assorted cosmetics na tinatayang aabot sa P8 mil­yon ang halaga.

Ayon sa impormas­yon, lumalabas na aprubado ng Food and Drug Administration Agency (FDA) ang mga nakum­piskang produkto dahil idineklara ito na mga personal effectsat household goods na  nakapangalan  sa Associated Freight Consolidators at nakapaloob sa mga balikbayan box.

Sinabi ni Lapena na nasakote ang 12 balikba­yan boxes sa isinagawang strict profiling at eksaminasyon ng kanyang mga tauhan sa NAIA.

At dito inilagay sa balikbayan boxes ang Abu Dhabi-imported beauty products katulad ng Goree Day, Night Whitening Cream, Goree Beauty Cream, Goree Lotion, soaps, at makeup kits .

Sa kabila ng ginawang public advisory ng FDA na ipinagbabawal ang Goree products marami pa rin ang bumibili nito sa pamamagitan ng internet, resulta ng mga matatamis na dila ng mga nagbebenta.

Sa ilalim ng Joint Circular 1-2015 ng FDA at Department of Health, ang cosmetic beauty products na for personal use ay dapat  limitado lamang  kung ipadadala sa balikbayan boxes, baggage, at parcels.

Samantalang, uma­abot na sa 1,110 skimming devices ang nasakote ng mga tauhan ng BOC sa tatlong terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula nang ipag­bawal ang  mga produkto.        FROILAN MORALLOS

Comments are closed.