RAMDAM na ramdam na ang diwa ng Kapaskuhan sa isang bahay sa Brgy. Bagbag II, Rosario, Cavite dahil sa mapapa-wow ka sa ganda na obra ng isang dating OFW na Miniature Christmas Village.
Nito lamang Oktubre ng taong ito nang umpisahan gawin ng 59-anyos na si Jun Familara ang kanyang Miniature Christmas Village at kahapon lang ay natapos na itong gawin.
Agaw pansin ang kanyang mga kumukuti-kutitap na ilaw na animo’y nasa isang village ka kung iyong tititigan.
Gawa sa mga recycle materials ang miniature.
Maging ang 5 talampakang Nutcracker Soldier ay agaw atraksyon din na gawa rin sa recycle materials tulad ng box ng pizza, cup noodles, marble stone, kaldero at trashcan.
Bata pa lamang diumano si Jun ay pangarap na niya talagang magkaroon ng ganitong miniature.
“Kadalasan sa mga mayayaman ko lang nakikita ito. Bata pa lamang ako ay pinangarap ko ng magkaron ng ganito..Kaya sabi ko sa sarili ko, pipilitin kong gumawa ng ganito kahit isang ordinaryong tao lang ako. Gusto kong patunayan na kaya kong gumawa na hindi gagastos ng malaki,” kuwento ni Jun.
Si Jun Familara ay dating OFW sa Papua New Guinea.
SID SAMANIEGO