(Ibinida ni PRRD) NATAPOS NA INFRA PROJECTS

duterte

IPINAGMALAKI ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) na bumuti na ang pagbiyahe sa nakalipas na limang taon sa gitna ng pagtaas ng infrastructure spending ng kanyang administrasyon.

“We have greatly eased the grueling experience of travelling and commuting,” anang Pangulo.

Ayon kay Duterte, nang maupo siya sa puwesto ay tiniyak niya ang pagtaas ng infrastructure spending sa average na 5% ng gross domestic product ng bansa.

“This is significantly higher than the infrastructure spending of each and past four administrations,” aniya.

Tinukoy ni Duterte ang gumandang MRT-3 system na wala nang mga palyadong train at bumilis ang biyahe.

“The waiting time between trains had been significantly reduced…10 trains running at only 30 kilometers per hour before. Now, MRT runs 23 trains at 60 kilometers per hour,” ani Duterte.

“We have taken away the misery of public commuting.”

Binanggit din niya ang pagbubukas ng LRT-2 East Extension Project, na, aniya, ay nagpabilis sa travel time sa pagitan ng Manila at Antipolo mula dalawa hanggang tatlong oras sa 40 minuto na lamang.

Nagpasalamat din ang Pangulo sa  partnership ng pamahalaan sa pribadong sektor para sa pagbubukas ng Metro Manila Skyway Stage 3 Project, na nagpaluwag sa EDSA at sa iba pang major roads sa Metro Manila.

Ang iba pang natapos na infrastructure projects na binigyang-diin ni Duterte sa kanyang huling SONA ay ang BGC-Ortigas Bridge, Sorsogon City Coastal Road, Lanao-Pagadian-Zamboanga City Road, Poro Point Freeport Zone, at ang bagong passenger terminal building ng Clark International Airport.

“To help promote equitable development, we also completed several roads leading to trade corridors,” anang Pangulo.

Inatasan niya ang Department of Public Works and Highways, Department of Transportation, National Economic and Development Authority, Department of Finance, at Department of Budget and Management na paspasan ang pagkumpleto sa iba pang flagship infrastructure projects bago matapos ang kanyang termino sa June 30, 2022.

Hiningi rin niya ang tulong ng pribadong sektor at local government units upang masiguro na matatapos ang mga infrastructure project.

8 thoughts on “(Ibinida ni PRRD) NATAPOS NA INFRA PROJECTS”

  1. 836743 173517Aw, it was a actually good post. In concept I need to put in writing related to this additionally – spending time and actual effort to manufacture a exceptional article but exactly what do I say I procrastinate alot and no means discover a way to go carried out. 285679

  2. 839558 166655Hi my loved 1! I wish to say that this post is incredible, excellent written and come with almost all critical infos. I would like to see a lot more posts like this . 547153

  3. 842872 833221Yesterday, while I was at work, my cousin stole my apple ipad and tested to see if it can survive a thirty foot drop, just so she can be a youtube sensation. My apple ipad is now destroyed and she has 83 views. I know this is entirely off topic but I had to share it with someone! 7401

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *