IBINUBUGANG GAS NG TAAL VOLCANO TUMATAAS – PHIVOLCS

INIHAYAG ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na muling tumaas ang dami ng sulfur dioxide (SO2) na inilabas ng Bulkang Taal.

Sinabi ng Phivolcs na may kabuuang 14,287 tonelada kada araw ng SO2 ang naitala mula noong Marso 24 mula sa dating tala na 6,102 tonelada noong Marso 19 hanggang Marso 23.

Batay sa datos ng Phivolcs, may kabuuang 15,145 tonelada kada araw ng SO2 ang naiulat na pinakamataas na record mula noong nagsimula ang 2024.

Samantala, sinabi ng Phivolcs na walang volcano-tectonic earthquake na naganap noong Lunes sa Taal Volcano.

Nanatili ang bulkan sa ilalim ng Alert Level 1, na nangangahulugan na maaaring mangyari ang mga stream-driven o phreatic eruptions.
EVELYN GARCIA