Nilinaw ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando ang naglabasang impormasyon na pang-tatlong buwang ulan ang inihatid ng bagyong Kristine sa Kabikulan.
Paliwanag nito, bagama’t malaking volume ng ulan ang ibinagsak ni ‘Kristine’ hindi tama na sabihing pang-tatlong buwan ang sukat ng mga pag-ulan para sa loob ng isang araw.
Sa pagsukat umano nila ay halos dalawang buwang antas ng tubig ang naranasan para sa loob lamang ng maikling panahon.
Sinabi pa ni Servando na posibleng ang mga pag-ulan na nagdulot ng mga pagbaha sa Bicol region at iba pang bahagi ng bansa dahil sa bagyong Kristine ay maging hudyat ng madalas at malawakan pang pag-ulan at unti-unting paglakas pa ng La Niña.
Ang La Niña phenomenon km ay ang kabaligtaran ng El Niño na nagdulot naman sa kakapusan ng tubig o tag-init.
MA. LUISA GARCIA