INAKUSAHAN ng mga mambabatas ang mga importer at negosyante ng bigas ng pagsasabwatan para mapanatiling mataas ang presyo ng bigas sa kabila ng pagbaba ng taripang ipinapataw sa imported na bigas at may sobrang suplay sa bansa.
Sa pagdinig ng House Quinta Committee o Murang Pagkain Super Committee, na binuo sa ilalim ng House Resolution no. 254, sinabi nina Marikina City 2nd District Rep. Stella Quimbo at Agap Party-List Rep. Nicanor Briones ang kalakaran ng labis na pag-iimbak, magkakaparehong may-ari ng mga pangunahing importer, at pagsasamantala upang lumaki ang kita.
Ayon kay Cong. Quimbo, batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority ay malinaw na sobra ang suplay ng bigas kung saan bumaba ito mula 82.5% noong 2023 sa 69% ngayong taon.
Dagdag pa ng mambabatas na malinaw na may sabwatan sa mataas na presyo ng bigas. DWIZ 882