NAKAHANDA na ang lahat para sa IBO world flyweight title clash sa pagitan nina Filipino Carlo Peñalosa at Mexican Maximino Flores sa TV5 Studio sa Sabado sa Novaliches.
Ayon kay Peñalosa, 26, at pamangkin nina dating two-division world champions Dodie Boy at Gerry Penalosa, ang fight ang pinakamalaking hamon sa kanyang buhay.
“This is a world championship. It’s my biggest challenge. It’s the first time I’m facing a Mexican,” aniya sa PSA Forum sa Amelie Hotel sa Manila.
Si Peñalosa ay may 14-1 record na may pitong knockouts.
Bumisita rin si 28-year-old Flores, na hahamunin si Peñalosa para sa bakanteng IBO flyweight crown, sa forum na itinataguyod ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel at Pagcor.
Sinabi ng mas eksperyensadong boksingero na may record na 24-4-1 at 17 knockouts na nag-ensayo siya ng tatlong buwan para sa laban.
“I’m physically and mentally prepared. It doesn’t matter what the judges will say. It’s up to them. Even if he (Penalosa) wins as long as I win the hearts of the fans, it’s okay with me,” ani Flores sa pamamagitan ng isang interpreter. CLYDE MARIANO
Comments are closed.