IBON FOUNDATION MAY KONEKSIYON SA ‘KALIWA’ –PARLADE

Antonio Parlade Jr.

CAMP AGUINALDO-NANINDIGAN pa rin si AFP Southern Luzon Command Head Major General Antonio Parlade Jr. na may koneksiyon sa makakaliwang grupo ang IBON foundation.

Pahayag ito ng opis­yal matapos na magsampa ng kasong admi­nistratibo ang nasabing group sa Office of the Ombudsman laban sa kanya, kay PCOO Undersecretary Lorraine Marie Badoy at National Security Adviser Hermogenes Esperon.

Sa reklamo ng IBON foundation wala raw tigil ang mga pahayag ni Parlade, Badoy at Esperon na ang IBON foundation ay kasapi ng makakaliwang grupo o kinokonsiderang communist terrorist group.

Subalit pumalag si Parlade at sinabing bakit ang IBON ay nagpa-publish ng mga aklat na nakasaad ang pag-radicalize ng mga kabataan at paglaban sa gobyerno.

Tanong pa ng opisyal bakit ang IBON foundation ay miyembro ng International League of Peoples Struggle kung saan Chairman si   Jose Maria  Sison, ang founder at chair communist party of the Phil na idineklara na aniyang terorista ng United States, United Kingdom,  European Union at Philippines.

Para kay Parlade wala nang bago sa isinampang kaso ng grupo laban sa kanila. REA SARMIENTO

Comments are closed.