Ibong Adarna, pagkilala sa tunay na kulay ng Pilipinong kultura

TINATALAKAY  sa kwentong ito ang pagpupunyagi, tapang at determinasyon – iyan ang kabuuan ng theme ng koridong “Ibong Adarna.” Ang paglalakbay ng mga prinsipe upang mahuli ang ibon at mapagaling ang kanilang amang hari ay nagsisilbing metapora upang malagpasan ang mga hadlang at marating ang layunin, na mas pinagtibay sa paulit-ulit na function ng mga karakter.

Marahil, naitanong nyo rin kung totoo bang may Ibong Adarna. Mayroon po. Tinatawag itong Philippine trogon (Harpactes ardens) o balisara sa Tagalog. Isa itong species ng ibon sa Trogonidae family. Dahil sa kakaibang kulay ng kanyang balahibo, sinasabing ito ay mahiwaga at maaaring isang diwatang nagkatawang ibon o ibong alaga ng mga diwata, kaya ito ang naisipang gawing bida ng manunulat sa kanyang korido. Makikita lamang ito sa Pilipinas.

May kulay itong kayumanggi sa likod at ibabaw ng pakpak, puti sa ilalim ng buntot, dilaw ang tuka at asul na balat sa paligid ng mata. Ang babaing ibon ay may may dilaw na parang pantalon at olive-brown na ulo, whereas habang itim naman ang ulo ng lalaki, may kulay rosas na dibdib at pulang tiyan, kaya hindi magkakamali kung babae ito o lalaking ibon.

Ang kwento ng Ibong Adarna ay nakatutok sa mga buhay nina Haring Fernando, Reina Valeriana, at sa tatlo nilang anak na lalaking sina Don Pedro, Diego, at Juan. Nang malaman nila ang sakit ng kanilang ama na ang lunas lamang ay ang awit ng Ibong Adarna, isa-isa silang nagpaalam upang hanapin ang maalamat na ibon. Hindi nagtagumpay sina Don Pedro at Don Diego at sa halip ay naging bato pa, ngunit iniligtas sila ni Don Juan at nahuli pa niya ang

Ibong Adarna, sanhi upang gumaling ang hari.

Ang punto ng buong kwento ay ang pagpili sa pagiging mabuti kahit mas madaling gawin ang masama, dahil sa huli ay mananaig din ang kabutihan.

Ipinakita rito ang mataas na lebel ng pagmamahal ng anak sa kanilang magulang, na kahit pa mangahulugan ito ng kanilang kamatayan ay gagawin nila ang lahat para sa kanila. Sa kwento, naglakbay ang mga prinsipe upang hanapin ang maalamat na ibon alang-alang sa kanilang amang maysakit.

May mensaheng ipinararating ang kwento. Ito ay ang lakas ng pagkakaisa at ang halaga ng pagtanggi sa makamundong tukso. Lahat ng tatlong prinsipe ay dumaan sa tukso at pagsubok, ngunit si Don Juan lamang ang nakapasa. Nalimutan ni Juan ang pangako niya kay Maria, ngunit pinatawad siya nito at inunawa.

Ang Ibong Adarna ay sumisimbulo sa mga pagsubok na magiging sanhi upang lumabas ang tunay na kulay ng isang tao, pati na ang kanyang mga kahinaan, intension, at layunin. Ipinakita rin dito ang tunay na ibig sabihin ng katapatan, pagpupunyagi, at kung ano ang konsekwensya ng pagtatraydor, gayundin ang paghanap ng katarungan.

Kung pakalilimiing mabuti ang mga simbolismo, napakalalim ng kahulugan at kahalagahan ng Ibong Adarna sa konteksto ng kwentong Filipino gayundin sa kultura, kung saan mas malalim ang pagkaunawa sa yaman ng panitik.

Si Don Juan, ang bunsong prinsipe, ang pinakamapagkumbaba ngunit may mabuting puso, ay siyang nagtagumpay sa huli upang mahuli ang Ibong Adarna, sanhi upang maibalik ang katahimikan sa kaharian. Ipinakita dito ang kahalagahan ng pagkakaisa ng pamilya, dahil nagtulung-tulong ang mga prinsipe upang malagpasan ang mga pagsubok.

Bilang konklusyon, hindi lamang maganda ang kwento ng “Ibong Adarna” kundi repleksyon din ito ng panuntunan at paniniwala ng mga Filipino. Itinuturo nito ang kahalagahan ng pagpapatawad, pagpupunyagi, katapatan at pagyakap sa pamanang kultura. Malaki ang papel ng Ibong Adarna sa paghubog ng kaisipan ng sosyedad na Filipino.

Marahang isiniwalat dito ang kahalagahan ng determinasyon, paghihintay at tapang sa panahon ng pagsubok

Binigyang diin din dito na kung minsan, ang mga inaakala nating walang halaga ay may halaga, na kung pakalilimiin ay siya ring aral na ipinaabot ng Aesop’s fables at mga kwento ng Grimm.

Ang Ibong Adarna ay hindi lamang tula o korido. Ito ay isang kaakit-akit na epiko na nagpapatibay sa kabutihang puso ng mga Filipino. NLVN