(Ibubuhos ng DENR) P1.56-B PONDO SA MANILA BAY REHAB

manila bay

SA TAONG  ito, hiwalay na P1.56 bilyong pondo ang papasok sa kaban ng  Department of Environment and Natural Resources (DENR) para gamitin sa rehabilitation program ng makasaysayang Manila Bay.

Ito ang ipinabatid ni  Anakalusugan Partylist Rep. Michael Defensor kung saan ang nasabing halaga ay 16 porsiyentong mas mataas kumpara sa natanggap ng naturang ahensiya para sa Operational Plan ng Manila Bay Coastal Management Strategy noong nakaraang taon

Paliwanag ng kongresista, ang rehabilitation program na ito ng DENR ay bilang tugon sa Supreme Court  mandamus na nag-aatas sa ahensiya at 12 iba pang government agencies na linisin at pataasin ang kalidad ng tubig sa Manila Bay.

“If we look closely at the 2008 mandamus, the high court’s specific instruction is for the agencies to restore Manila Bay’s waters to Class B, or suitable and safe for public swimming, skin-diving and other forms of contact recreation,” sabi pa ni Defensor, na naging Environment secretary mula 2004 hanggang 2006.

Ayon sa kongresista, base sa naunang water classification table ng DENR, ang fecal coliform level para sa Class B coastal waters ay hindi dapat lalampas sa 200 most probable number (MPN) per 100 milliliters (ml).

“An aquatic environment’s high fecal coliform level indicates severe contamination with human toilet waste. It points to the heavy presence of bacteria or viruses that may cause diseases such as typhoid fever, hepatitis, gastroenteritis and dysentery in people who come into contact with the waters,” paliwanag ni Defensor.

Kamakailan, iniulat ni DENR Secretary Roy Cimatu na base sa water samples mula  sa  21 monitoring stations sa paligid ng Manila Bay, na kinuha noong nakaraang buwan, naitala ang average fecal coliform level sa 4.87 million MPN/100ml, na mas mababa kumpara sa 7.16 million MPN/100 ml na resulta sa testing na isinagawa noong nakaraang taon.

Ipinagmalaki rin ng kalihim ang naitala na fecal coliform level ng tubig sa bahagi kung saan isinagasagawa ang tinaguriang “beach nourishment project’ na bumaba rin mula sa dating 2.2 million MPN/100ml ay naging 523,000 MPN/100 ml na lamang.

Kaya naman umaasa si Defensor na sa pagkakaroon ng DENR ng mas malaking pondo ngayong taon ay higit pang mapabubuti at maitataas ang kalidad ng tubig sa Manila Bay. ROMER R. BUTUYAN

2 thoughts on “(Ibubuhos ng DENR) P1.56-B PONDO SA MANILA BAY REHAB”

  1. 892925 675961Spot lets start function on this write-up, I in fact believe this wonderful site requirements additional consideration. Ill far more likely be once once again you just read additional, thank you that info. 507362

Comments are closed.