NAGPAHAYAG ng pagsuporta si House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Rep. Manuel Jose ‘Mannix’ Dalipe sa pagnanais ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na maglaan ng P113.99 billion bilang pondo para sa modernization at expansion ng railway system sa bansa, sa ilalim ng panukalang P5.268-trillion 2023 national budget.
Pagbibigay-diin ng ranking House official, ang halos limang beses o 500% na pagtataas ng budget para sa iba’t ibang railway projects na ipatutupad ng Marcos administration sa susunod na taon ay patunay lamang na desidido ang Punong Ehekutibo na mapabuti ang local transport sector.
“This thrust of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. shows his vision to develop a fast, efficient, and easily accessible mass transportation system and decongest the horrendous traffic gridlock in metropolitan areas like Metro Manila and its nearby provinces,” pahayag pa ni Dalipe.
“We will not just solve our traffic problem but we can also decongest Metro Manila’s population. If we have a modern rail system. Filipinos would definitely choose to live outside of Metro Manila,” dagdag ng Zamboanga City lawmaker.
Nabatid kay Dalipe na mula P23.12 billion ngayong taon, hiniling ng Palasyo na gawing P113.99 billion ang pondo para sa pagsasagawa ng iba’t ibang big-ticket railways projects sa susunod na taon, na katumbas ng 1,2000 kilometers railways, na mapakikinabangan ng 4,5 million passengers kada araw.
Samantala, sinabi rin ng House Majority Leader na ang pagtalaga ni Presidente Marcos kina Transportation Secretary Jaime Bautista at Undersecretary for Rails Cesar Chavez, na kapwa may malalim na kaalaman sa railway projects, ay patunay rin na seryoso ang administrasyon na magkaroon ng world-class national railway system sa bansa.
ROMER R. BUTUYAN