IC MENDOZA IPINAKILALA ANG BF

NAGKAKILALA lamang sila sa Facebook ngunit heto na at ipinagmamalaki ni IC Mendoza sa buong mundo ang kanyang boyfriend na si Rick Antoni Parco Tropicales.

Kung ang iba raw ay minalas sa panahon ng coronavirus pandemic, siya naman ay sinuwerte dahil nakilala niya si Rick noong 2021 sa FB dating app during the hard lockdown.

Inakala umano niya noonbg una na hindi ito magtatagal pero heto at magkasama pa rin sila.

Unang pagkikita pa lamang umano nila ay kinilig na siya dahil may dala pa itong bulaklak. Sobra umano itong maalaga kahit mas matanda siya dito ng 8 years.

“It just feels so right. Hindi pilit at walang bahid ng pag-aalinlangan. It’s the love I’ve been praying for. Saveeeh,” ani IC.

Gayunman, masyado pa umanong maagang sabihing si Rick nan ga ang nakalaan para sa kanya, ngunit umaasa siyang sila na nga sa huli. Kung sakali, magiging maayos naman ang kanilang pagsasama dahil medical student si Rick habang si IC naan ay Chief Executive Officer at Head of Talent Strategy ng In Circle, isang successful marketing agency na itinatag niya noong 2015.

Bilang dating child star na nag-umpisa noong 1991 na three years old pa lamang siya, nami-miss rin umano niya ang pag-arte ngunit awkward na raw sa kanya ang magpa-cute kaya pahinga muna siya sa showbiz. Bukod doon, hindi na umano kaya ng oras niya kahit gusto pa niya dahil nauubos ito sap ag-aasikaso ng kanyang negosyo, pero may mga guestings and talks naman daw siya basta nalibre siya kahit paano. Bukod dito, aktibo siya sa social media.

Idol pa rin umano niya ang kanyang yumaong lola, ang Queen of Intrigues na si Inday Badiday, nanay niyang si Dolly Anne Carvajal, at syempre, sina Vilma Santos at Boy Abunda.  — KNM