DAHIL sa lockdown sa halos lahat ng parte ng distrito ng Metro Manila ay mas lalong tumindi ang bonding ng mag-partner na sina Aiza Seguerra at FDCD Chairman Liza Dino.
Habang abala si Liza sa mga relief goods na inihahanda para ipamahagi sa mga kababayan natin ay nandoon din si Aiza para tumulong at suportahan si Liza.
Sa kanilang bonding sa kanilang tahanan ay naisipan ni Aiza na magpagupit ng buhok kay Liza.
Habang ginugupitan ng buhok si Aiza ay tawanan ang dalawa dahil halos makalbo na ang hair ni Aiza na bumagay naman sa singer/composer/TV host.
Marami nga ang nagulat sa bagong hairdo ni Aiza nang i-face up ang hitsura nito dahil naging kamukha niya ang mga anak ni Bossing Vic Sotto na sina Vico at Oyo Boy.
Sa mga kababaihan naman ay naging kamukha niya si Maja Salvador at iba pang sikat na actress.
“Kahit ECQ, tuloy pa rin si Liza sa trabaho kahit nasa bahay. Gigising nang napakaaga, magtatrabaho yan tapos magluluto, tapos balik sa work, hanggang gabi na. Yan ang araw-araw niya.
“Kahit hindi niya sinasabing pagod na siya, alam ko yung stress na nakukuha mula sa buong araw. Tired her so much, kaya kapag yayakap na siya sa akin para matulog.
“Ang sarap ng pakiramdam yung tipong ayaw mong gumalaw kahit naiihi ka na para lang hindi siya magising kasi kasarapan na ng hilik,” mensahe ni Aiza.
Samantala, tulad din ng ibang artista nakasuporta sa ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay taas kamay pa rin ang ginagawang pagtulong nina Aiza at Liza sa Pangulo.
Pakiusap niya sa mga kapwa artista o ordinaryong mamamayan na suportahan ang Pangulo at tigilan na ang pagbatikos na wala naman maidudulot na tulong sa mga nangangailangan.
Sa halip na siraan at batikusin ang ginagawa ng Pangulo ay mag-isip kung ano ang maitutulong nila sa panahon ng nangangailangan ng tulong ang mga kababayan natin.
Comments are closed.