ICE SEGUERRA INAMING BIHIRANG BISITAHIN ANG KANYANG PAMILYA

SA panahon ng COVID-19, nagbabahagiencounters with pm

ang ating mga artists ng saloobin nila na maaari nating pagkunan ng inspirasyon.

Pagbabahagi ni Aiza or Ice Seguerra tungkol sa kanyang pamilya:

“Missing these three so much. Last time ko sila nakita was before I left for the States nu’ng March 3. Pagbalik ko quarantine na. Dahil lampas 70 na rin sina Mama and Daddy, I don’t want to risk it.

“Sa mga hindi po nakakaalam, may cancer si daddy. Nagsimula sa prostate kaso nag-metastasize sa ibang parts ng bone niya. Okay naman siya. Katatapos lang ng radiation treatment. Naisip ko nga, buti na lang natapos namin ‘yung treatment bago nangyari ang lahat. I’m thinking of my dad’s “classmates” sa radiology department ng St. Luke’s. Marami sa kanila, pasimula pa lang. I can’t imagine what they’re going through right now. 😞

“Nagkaroon kami ng family meeting sa bahay. Of course, dahil open forum, nagkalabasan nang mga sama ng loob. Masama loob nila sa akin ‘coz I rarely visit. At aminado ako dun. So I changed my ways. I made sure na I’m always in contact with them. Labas kami once or twice a week. Malling lang or kakain sa labas tapos kwentuhan. Simple pero masaya. Mas nagkaroon ako ng appreciation sa bawa’t isa sa kanila, mas naiintindihan ko kapag nagtatampo sila sa akin and I make sure na hindi ko papalampasin ‘yun. My dad’s sickness brought us all closer, I think. I get to hug my mama more, mas nakakapag-usap na kami ni daddy tungkol sa mga bagay na dati hindi namin mapag-usapan. So yeah, may cancer siya but I think blessing pa rin ‘yun kasi it gave us the gift of appreciating every single day that we get to spend together, every hug, every tawanan, the conversations and most of all ang makahingi ng tawad at makapagpatawad. Now, I can say (at least on my end) that there are no words unsaid and no deeds left undone.

“Isa rin sa hindi matatawarang blessing sa buhay ko ay ang kapatid ko. He’s become the man of the house, in every sense of the word. May katuwang ako kina mama and daddy. Hindi lang sa pag-aalaga but financially rin. Siguro kung wala kapatid ko, nabaliw na ako pero dahil nandiyan siya, teamwork kami. Sobrang suwerte ko sa kapatid ko. Responsable, he takes care of the family, and he loves us to death.

“Mama, daddy, bro… Kain tayo pagtapos nito. Sa kahit saan ninyo gusto. Tapos mag-mall tayo ulit. Ikot-ikot lang tapos meryenda na naman. Tapos ikot-ikot lang ulit tapos dinner naman. Basta sa ngayon, stay put muna.

“I love you and I miss you all soooo much!!!”

PROUD KAY LIZA DINO

TUNGKOL naman sa mahal niyang si Liza, ang Film Development Council of the Philippines(FDCP) chairman:

“Sa wakas, nakatulog din si misis. Ang dami pang sinasabi kanina bago pumikit. Dami pa daw kailangan gawin. Tsk.

“To those of you who has read her post, yes, she is an empath and a highly sensitive person. Feeling ko nga may ADHD rin. Pero bukod dun, hindi siya titigil hanggat wala siyang nahahanap sa solusyon o kahit anong paraan para makatulong. Not out of obligation, mind you, but because that’s her nature. Because she really cares. Kami na nga minsan nagsasabi na minsan, talagang may hangganan ang pagtulong pero hindi siya nagpapatinag.

“Sa totoo lang, compared to other agencies, napakaliit talaga ng budget ng FDCP. Para nga sa film workers, hindi na enough. Eh, biglang lumawak pa yung kargo niya. Audio-visual industry. Napakalaki nun. From film, tv, now pati live performances. Napakarami natin. Hindi ko alam paano niya kinakaya.

“Her goal now is to look for additional budget para mas maraming matulungan ang FDCP sa industriya natin. Speaking to legislatators and other agencies, at the same time, kinakausap ang mga stakeholders to explain the new program to fine tune it more so that more people can access it.. ‘Yan, yan ang buong araw niya. Siya at ng ahensiya niya.

“Hindi ko sinasabi to dahil partner niya ako but I am saying this as an observer who has also worked in government; Audio-visual industry, ang suwerte ninyo sa Chairperson ninyo. Hindi siya tumitigil sa kakahanap nang paraan para mapagsilbihan kayong lahat. She cares for you all and your welfare so much that despite the limitations of her budget, hindi siya (at ang buong FDCP) tumitigil para makahanap nang iba’t ibang paraan para makatulong.

“I am really proud of her. Kaya okay lang kahit mas less ‘yung time spent together coz we have our whole lives to do that. The whole family is in support of her 100%. Ang importante is ngayon na habang public servant siya, ma-maximize niya ang buong panahon niya to serve the community we all love.

“Yun lang. Salamat sa pakikinig. Balik na ako sa panonood ko ng TV at pakikinig sa hilik niya which is music to my ears.

“Good morning everyone.”

A good read, in this time of COVID-19, hindi ba?

Comments are closed.