NAPATUNAYAN na umano ni Ice Seguerra ang kanyang pagmamahal sa kanyang ‘Bossing’ Vic Sotto nang sumipot siyang nakabestida sa birthday celebration nito sa “Eat Bulaga!”.
Mula kasi nang mag-out si Aiza o Ice na ngayon, ay hinding hindi na talaga siya nagsoot opa ng damit pambabae. Pero para kay Bossing Vic, gagawin niya ang lahat.
Cross-dressing ang thene ng birthday celebration ni Vic, kung daan nakasoot ng pink ang mga regular ng Eat Bulaga! Na sina Wally Bayola, Jose Manalo, Allan K, at Paolo Balesteros, para sa kanilang respective dance and song numbers. Pero ang biggest shock of the day ay nang tawagin ni Vic ang kanyang onscreen anak na si Ice Seguerra na nakasoot pa ng fuschia pink na dress! Matuk mo yon?
Hindi lang basta pink kundi Barbie pink mini dress na may ankle boots pa – girl na girl talaga! Hindi tuloy siya nakilala ni Bossing Vic, kahit pa ni Joey de Leon, kaya nagpakilala muna siya bago nag-perform.
Sabi pa: “Hi Dabarkads my name is Caring. But you can also call me Ice Ice Baby.”
Mangiyak-ngiyak naman si Vic nang makita ang anak-anakang sa kanya na talaga lumaki dahil sa sobrang tuwa.