ICED COFFEE: SWAK NGAYONG MAINIT ANG PANAHON

ICED COFFEE

(Ni CHE SARIGUMBA)

HINDI nga naman matatawaran ang init ng panahon. Kahit na nasa loob tayo ng bahay ay damang-dama natin ang maalinsangang paligid.

At kapag ganitong tila nilalagnat ang pali­gid, isa sa masarap subukan o kahiligan ay ang malalamig na inumin. Hindi nga lamang nakatitighaw ng nadaramang uhaw ang malalamig na inumin kundi nakapagpapaganda rin ito ng pakiramdam.

Marami ang nagtatayo ng coffee shop sa panahon ngayon. Klase-klase rin ang iniaalok nila sa kanilang customer ngunit iisa lang ang main ingredients—ang kape.

Bawat mamimili nga naman ay mara­ming puwedeng pagpilian ayon na rin sa hilig nito at swak sa panlasa. May mga mata-tapang na kape at mayroon din namang tama lang.

At dahil hindi naman lahat ng tao ay nakabibili ng iced coffee sa mga kilalang coffee shop. May kamahalan din kasi ang itinitin-dang iced coffee. Pero hindi rin naman tayo dapat malungkot dahil maaari naman tayong gumawa kahit na nasa bahay lang tayo. Kumbaga, maa-achieve pa rin natin ang sarap at linamnam ng iced coffee kahit na nasa bahay lang tayo.

Kapag sinabing iced coffee, nangangahulugan itong malamig na kape o may yelo. Ilan sa ha­limbawa nito ay ang iced mocha at iced latte.

Sa mga gustong gumawa ng sariling iced coffee sa bahay, narito ang ilan sa mga klase ng iced coffee na puwede ninyong subukan:

VANILLA ICED COFFEE FRAPPE

Isa pa sa masarap subukan ang vanilla iced coffee frappe. Isa nga naman sa masarap na flavor ang vanilla. Isa rin ito sa kinahi-hiligan ng marami sa atin. At kapag nilagyan pa ito ng homemade vanilla whipped cream, lalong mapangingiti ang sinumang makati-tikim nito.

ICED MOCHA

Napakadali lang din gawin ang Iced Mocha. Ang mga kakailanganin sa paggawa nito ay ang ½ na tasang kape, ½ na tasang al-mond milk at 1 kutasaritang chocolate syrup.

Sa paggawa naman, pagsamahin lang sa isang lalagyan o baso ang lahat ng sangkap. Takpan ito at ilagay sa ref para lumamig. O kaya naman, lagyan ng maraming yelo bago inumin.

CONDENSED MILK ICED COFFEE

Bukod sa kape, ma­rami ring puwedeng isama rito gaya na lamang ng condensed milk. Ang ilan, mas pinipili ang maglagay ng condensed milk kaysa sa creamer. Kakaiba rin kasi ang sarap ng condensed milk lalo na kung nakahalo ito sa coffee. Kung malamig pa ito,  mas lalong lalabas ang linamnam nito. Tiyak ding mawawala ang init ng ulo ng sinumang makaiinom nito. Nakadaragdag ng pagiging creamy ang condensed milk. Kaya subukan na ang recipe na ito.

TO-GO ICED COFFEE

Mayroon din namang madali lang ga­wing iced coffee, kagaya ng to-go iced coffee. Napakadali lang nitong gawin at kahit na nagmamadali ka, makapag­hahanda ka pa rin nito. Ang gawin lang ay mag­timpla ng kape at saka ito lagyan ng maraming yelo. Puwede mo itong bitbitin paalis ng bahay.

COFFEE IN CUBES

Puwede rin namang subukan ang coffee ice cubes. Madali lang din itong gawin. Magtimpla lang ng kape at ilagay sa ice cubes ng magdamag. Kinabukasan, puwede mo na itong gamitin o ilagay sa baso.

ICED-COFFEE FRAPPÉ

Ang mga sangkap na kakailanganin natin sa paggawa ng iced-coffee frappe ay ang 1 1/2 cups double-strength coffee, chilled , 1/2 cup low-fat milk, 2 Tbsp. sugar, 1 1/2 cups ice, plus more as desired, Whipped cream at  Chocolate sauce.

Paraan ng paggawa:

Ilagay sa blender ang puree coffee, milk, sugar at ice saka i-blend. Kapag na-blend na, ibukos na ito sa baso. Lagyan sa ibabaw ng whipped cream at chocolate sauce. I-serve kaagad.

Simpleng-simple lang ang paggawa ng iced-coffee frappe kaya naman, tiyak na marami sa atin ang susubukan ang paggawa nito.  Tiyak ding maiibigan ito ng buong pamilya.

Napakaraming pa­raan upang makagawa tayo ng iced coffee kahit na nasa bahay lang.

Hindi na nga naman kailangang bumili pa dahil sa bahay lang, makagagawa na tayo nito.

Enjoy! (Photo credits: sweetphi.comsweetphi.com, milklife.com, honestlyyum.com)

Comments are closed.