ICU NG PGH, PUNO PA RIN NG MGA PASYENTENG MAY COVID-19

NANANATILING  puno ang Intensive Care Unit (ICU) ng Philippine General Hospital (PGH) ng mga pasyenteng may COVID-19.

Ito ang inihayag ni PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario matapos sabihin ng Department of Health na maikokonsidera nang nasa safe zone ang ICU Utilization Rate sa Metro Manila.

Ayon kay Del Rosario, isandaang porsyento pa ring okupado ang ICU dahil sa mga pasyenteng nakararanas ng critical o severe symptoms.

Gayunman sinabi ni Del Rosario na pababa na ang bed utilization rates sa ibang bahagi ng ospital.

Hindi na umano nagkakaroon pa ng mahabang pila sa kanilang mga emergency room at sakaling may magtungo man ay kaya na nilang i-admit agad ito.

Ang PGH ay isa sa pinakamalaking COVID-19 referral center sa bansa.

Samantala, ipatutupad na ang alert level system sa labas ng National Capital Region simula Oktubre 20 hanggang 31.

Batay sa anunsiyo ng Inter-Agency Task Force (IATF), ipatutupad ang sumusunod:

Alert level 4 sa Negros Oriental at Davao Occidental.

Alert level 3 sa Cavite, Laguna, Rizal, Siquijor, Davao City at Davao Del Norte.

Habang alert level 2 naman sa Batangas, Quezon Province, Lucena City, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue at Cebu Province. DWIZ882

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *