ID CARDS SA POGO WORKERS PARA MATUKOY ANG LEGAL AT ILEGAL

POGO WORKERS-4

PINAG-IISYU ni House Committee on Games and Amusements Vice-Chairman at Ang Probinsyano party-list Rep. Ronnie Ong ang Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) ng identification cards para sa lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers sa bansa.

Ayon kay Ong, nag-iisyu lamang ang PAGCOR ng Gaming Employment License (GEL) sa mga gaming industry employee at hindi sa POGO workers na karamihan ay Chinese nationals.

Bukod dito, ang lisensiya, aniya, na iniisyu ng PAGCOR na nagkakahalaga ng P4,000 sa kada indibidwal ay pawang sertipikasyon lamang at wala itong kasamang ID.

Dahil dito, nanawagan si Ong sa PAGCOR na palawigin ang pag-iisyu ng lisensya sa POGO Chinese workers, gayundin ang pag-iisyu ng ID sa mga ito.

Sa panukalang ID para sa mga foreign POGO worker ay nakalagay ang kanilang BID number, TIN, larawan, kaarawan, employment name at address ng kanilang opisina at address ng temporary residence.

Paliwanag ng kongresista, makatutulong ang ID para matukoy ng mga immigration at law enforcer kung sino ang legal at ilegal na POGO wor­ ker.    CONDE BATAC

Comments are closed.