TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) Director for Operations. Maj. Gen. Valeriano De Leon na sapat ang pulisya na kanilang ide-deploy sa inagurasyon ni President-Elect Ferdinand Marcos Jr. sa Hunyo 30 sa National Museum, Maynila.
Sinabi rin ni De Leon na mayroon nang coordination meetings sa pagitan ng PNP at ng National Museum management para tiyakin ang seguridad ng bagong Pangulo.
Kasama sa pag-uusapan ang iba pang security plans para sa nasabing event.
“As order by our PNP- Officer in Charge, Lt. Gen. Vicente Danao Jr., the PNP will be involved in the preparation and implementation of the necessary measures to ensure peace and order throughout the activity,” ayon kay De Leon.
Bago ang inagurasyon ni BBM, kasama rin sa kanilang security plan ang panunumpa ni Vice President-Elect Sara Duterte na sa Hunyo 19 naman gagawin.
“We will also deploy a sufficient contingent from the PNP for this (Duterte inauguration) activity,” pagtitiyak ni De Leon.
Magugunitang mismong si Danao ang nagpahayag na wala silang natatanggap ng banta, hindi magpapakampante ang pulisya sa halip ay ilalatag ang lahat ng security measures kasama na ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga supporter ng dalawang lider na nais magtungo sa magkahiwalay ng venue. EUNICE CELARIO