NANGANGAMBA ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na posibleng lumakas pa ang recruitment sa kabataan lalo na sa mga college student ng New People’s Army -Communist Party of the Philippines sa pagbasura ng korte na nagbasura sa hakbang na ipa-deklarang teroristang organisasyon ang nabanggit na grupo.
Ito ang sentimiyento ni NTF ELCAC Executive Director Retired Marine Lt. General Emmanuel Salamat na inaming dismayado sa desisyon ng korte.
Ayon sa opisyal, ang desisyon ng korte ay pagbalewala sa sakripisyo ng mga sundalo na nagbuwis ng buhay at lahat ng stakeholders na nagtulungan para mawakasan na insurhensya sa bansa.
Paliwanag ng opisyal, bahagi ng adbokasiya laban sa kilusang komunista ay ang paglalantad ng kanilang totoong kulay bilang isang teroristang organisasyon sa mga mamayan.
Aniya, nakaka-recruit ng mga supporter ang CPP-NPA lalo na ang mga mag-aaral ay dahil sa kanilang pagkukubli ng kanilang tunay na layuning maghasik ng karahasan.
Dahil sa desisyon ng korte ay possibleng mabuhay uli ang pagrerecruit ng NPA at maraming nanamang malilinlang na kabataan.
Dagdag ng opisyal, ang CPP-NPA ay una nang idineklarang teroristang organisasyon ng Estados Unidos, European Community, New Zealand, Australia, at Canada. EUNICE CELARIO