(Idineklara dahil sa ASF) NATIONWIDE STATE OF CALAMITY

baboy

ISINAILALIM kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity and buong bansa dahil sa African swine fever (ASF).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Proclamation No. 1143, kung saan iiral ang state of calamity sa loob ng isang taon makaraan itong maipalabas maliban na lamang kung babawiin na ni Pangulong Duterte o di kaya naman ay palalawigin pa.

“Ang Filipinas ay nasa ilalim ng state of calamity dahil sa African swine fever outbreak” pahayag ni Roque.

Inaatasan ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan, pati na ang local government units, na makipagtulungan para masigurong matutuldukan ang paglaganap ng ASF sa bansa.

Pinatitiyak din ng Pangulo ang sapat na suplay ng karneng baboy sa merkado at maibaba ang retail price nito at pagkaraa’y magkaroon ng rehabilitasyon ang local hog industry.

Samantala, ang mga law enforcement agency ay inatasan ding magsagawa ng mga kinakailangang hakbang upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa mga apektadong lugar sa bansa. EVELYN QUIROZ

11 thoughts on “(Idineklara dahil sa ASF) NATIONWIDE STATE OF CALAMITY”

  1. 748526 679722Hello my family member! I wish to say that this post is amazing, wonderful written and come with approximately all vital infos. I would like to see extra posts like this . 413124

  2. 946699 975959It was any exhilaration discovering your website yesterday. I arrived here nowadays hunting new issues. I was not necessarily frustrated. Your suggestions following new approaches on this thing have been helpful plus an superb assistance to personally. We appreciate you leaving out time to write out these items and then for revealing your thoughts. 99516

Comments are closed.