(Idineklara ng DepEd) ACADEMIC BREAK SA NCR

NAGPATUPAD  ang Department of Education-National Capital Region (DepEd-NCR) ng suspensiyon ng klase simula Enero 15 hanggang Enero 22, 2022.

Sa inilabas na regional memorandum no. 017, s. 2022 ni DepEd-NCR and Officer-In-Charge Regional Director Wilfredo Cabral, layon nitong maibsan ang bigat ng epekto ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga guro at estudyante.

Sa kasagsagan ng suspesyon, hindi kailangang mag-report ng mga guro sa mismong paaralan.

“The Mid-year Break scheduled on January 31 to February 5, 2022 shall be utilized by the learners to comply with backlogs in learning outputs while teachers are expected to attend to their usual activities including in-service trainings and other learning related undertakings,” dagdag nito.

Isasagawa naman ang Quarter 2 examinations sa Pebrero 7 hanggang 8, 2022.

Itinakda ang pagsusumite ng learning outputs ng mga estudyante sa Pebrero 7 hanggang 12 gamit ang on-line platforms at iba pang mekanismo.

“The lost contact days shall be compensated by mechanisms such as independent study, remediation, enhancement activities and other related teaching-learning interactions,” saad pa rito.

Dahil dito, ipinag-utos sa school heads na gumawa ng istratehiya upang maging maayos ang naturang mekanismo.

Hinikayat din ang mga guro at mag-aaral na manatili sa kani-kanilang tahanan upang maiwasang mahawa ng COVID-19.

Nitong mga nakaraang araw ay dumarami ang nananawagan ng academic break sa mga eskuwelahan dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19. ELMA M