OPISYAL nang idineklara ng PAGASA ang panahon ng tag-ulan o ang tinatawag na Rainy Season at Habagat Season sa bansa.
Ayon sa PAGASA, asahang mapapadalas na ang pag-ulan at mababawasan ang matinding init na nararanasan nitong mga nakalipas na araw.
Samantala, nagbabala rin ang ahensya kaugnay sa matitinding pag-ulan dahil sa paparating na La Niña phenomenon kung saan inaasahang magsisimula sa Hulyo hanggang Setyembre 2024.
Mararanasan din ang epekto ng tag-init at panaka-nakang ulan sa pagsapit ng “Ber” Months na bagaman tag-ulan na, asahan pa rin ang ilang araw o linggong mainit na panahon dahil sa tinatawag na ‘monsoon breaks’.
Habang asahan na rin ang madalas na pamumuo ng thunderstorms sa hapon at gabi, pahayag pa ng Philippine Weather System.
MHAR BASCO