(Idineklarang ‘hairclips’ air parcels) 178 SPIDERLINGS NASABAT NG BOC – CLARK

PAMPANGA – NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark ang 178 spiderlings na nakatago sa isang air parcel na idineklarang “hairclips” mula sa Indonesia.

Sa physical exam­ination, natuklasang naglalaman ang nasabing parcel ng 157 vial na may buhay na ga­gamba habang 21 vial naman ang may patay na gagam­ba.

Ang parcel na nakatakdang ipadala sa Valenzuela City ay na-flag para sa pisikal na inspeksyon dahil sa kahina-hinalang deklarasyon ng consignee.

Ang tangkang pagpupuslit ng mga buhay na spiderlings ay labag sa Seksyon 117 at 113 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) kaugnay ng R.A. No. 9147 o  Wildlife Resour­ces Conservation and Protection Act.

Agad namang isinu­render ang mga nakumpiskang gagamba sa Department of Environment and Natural Resources – Provincial Environment and Natural Resources Office (DENR-PENRO).

Ang nasabing mga wildlife arachnids ay nadiskubre sa pamumuno ni Acting District Collector Jairus Reyes sa direktang mandato ni Commissioner Bienvenido Rubio.

RUBEN FUENTES