(Idinepensa ng DILG) HOUSE TO HOUSE SEARCH SA MAY COVID-19

Eduardo Año

IDINEPENSA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang inianunsiyo nilang house to house search ng mga positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Taliwas sa inaakala ng publiko, ipinaliwanag ni DILG Secretary Eduardo Año na mag-a-assist lamang ang mga pulis sa gagawing house to house para matiyak na maipatutupad ang lockdown at maayos ang paglilipat ng mga positibo sa CO­VID-19.

Pangungunahan pa rin  ito ng local government officials at health workers na dati nang may listahan ng mga tao o bahay na kanilang pupuntahan.

Iginiit ni Año na, naaayon ito sa Republic Act 11332 o An act providing policies and prescribing procedures on surveillance and response to notifiable diseases, epidemics and health events of public health concern.

Hindi tinalakay  ng COVID-19 Task Force ang programa kaugnay sa house-to-house search para sa mga dinapuan ng COVID-19.

Ayon ito kay Justice Secretary Menardo Guevarra na nagsabi pang hindi rin siya kinonsulta hinggil sa nasabing hakbangin.

Gayunman, sinabi ni Guevarra na mayroon namang legal na basehan ang paglilipat ng CO­VID-19 infected persons sa quarantine facilities ng gobyerno kung hindi magagawa ang home quarantine.

Posible aniyang ma­talakay nila sa susunod na pulong ng IATF ang house-to-house search issue.           DWIZ882

Comments are closed.