Nilagdaan ng local na pamahalaan ng Iloilo, Department of Agriculture (DA) at kanilang mga project partners ang isang Memorandum of Agreement (MOA) upang gawing farm o “agricultural hubs” ang mga “idle” o hindi ginagamit na lupain ng Iloilo State universities.
Pinangunahan ni Iloilo Governor Arthur Defensor, Jr. at Regional Agricultural and Fishery Council Western Visayas (RAFC 6) Chairperson, Engr. Buen Mondejar and paglagda ng naturang MOA at kasama sa inisyatibo ng kolaborasyon sa iba ibang partners nito sa naturang proyekto.
Kabilang sa project partners ng Iloilo LGU at DA sa pamamagitan ng kinatawan nito na si DA-Regional Executive Director Dennis Arpia, West Visayas State University-Lambunao Campus President Dr. Joselito Villaruz, at Panay Organic Producers Association President Dr. Louie Tirador.
Ang proyekto ay binigyan ng panukalang titulo ng Chairperson nito na si Mondejar na “Making Idle Lands Productive. “This supports the Iloilo provincial government’s MorProgress campaign to enhance regional food security,”sabi ni Mondejar.
Paliwanag niya ang kolaborasyon ay may layunin din na i develop ang value chain mula sa agricultural na produkto ng mga converted lands upang mabigyan ng hanapbuhay ang mga komunidad dito.
“Food security is a national emergency,” ang pagbibigyang diin ni Defensor kung kaya kailangang pagtuunan ng pansin ang pagpapataas produksyon ng agrikultura sa lalawigan at sa mga karatig rehiyon nito.
MA. LUISA MACABUHAY-GARCIA