BILANG kinamulatang local tradition na “Baddang Ifugao” (Ifugao Bayanihan), umaabot sa P134, 300. 00 ang donasyon ng Ifugao cops sa mga biktima ng bagyong Ulysses sa kanilang lalawigan.
Nabatid na bawat pulis-Ifugao ay nagbigay ng P200 mula sa kanilang monthly salary na umabot sa P134,300.00 kung saan ipinamahagi bilang quick assistance sa pamilyang sinalanta ng bagyo.
Ayon kay Cordillera Police Director Brig. Gen. Rwin Pagkalinawan, ang nasabing halaga ay personal na ibinigay sa pamilya ng 13 biktima ng landslides kung saan ang 11 ay mula sa Banaue habang ang dalawa ay sa mga bayan ng Hungduan at Mayoyao, Ifugao.
Maging ang natirang cash na nakolekta ay ipinambili ng bigas at assorted grocery items para naman sa iba pang biktima ng bagyong Ulysses.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang search and retrieval operations mula sa landslide site ng Sitio Nabito, bayan ng Banaue, Ifugao.
Samantala, patuloy pa rin ang relief operations ng Cordillera police sa pamamagitan ng collection, hauling at distribution ng goods sa apektadong pamilya sa nasabing lalawigan. MHAR BASCO
Comments are closed.