(Iginiit ng DTI) SUPORTA SA LOCAL COOPERATIVES

DTI Sec Ramon Lopez

IGINIIT ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang suporta ng ahensiya sa local cooperatives habang tumutulong ito sa agriculture sector at micro, small and medium enterprises (MSMEs) para malagpasan ang epekto ng COVID-19.

Sa launch ng Agricultural Cooperative Development Agenda (ACDA) kahapon, binigyang-diin ni Lopez ang papel ng mga kooperatiba sa paghahatid ng inclusive growth sa  grassroots level at ang kanilang krusyal na parte sa pagtulong sa pamahalaan sa pagharap sa economic challenges na dala ng pandemya.

“We reiterate our commitment to fully support our cooperatives who have been integral to the government’s efforts to deal with the economic and health challenges of the Covid-19 pandemic,” sabi ni Lopez.

Sinabi ni Lopez na may mga inisyatibo ang DTI na makatutulong sa mga kooperatiba sa pagkakaloob ng suporta sa MSMEs sa agriculture sector, tulad ng COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES) program, Livelihood Seeding Program–Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB) program, at shared services facilities (SSFs) program.

Sa ilalim ng CARES program, ang Small Business (SB) Corp., ang finance arm ng DTI, ay maaaring magpahiram ng zero-interest loans sa mga kooperatiba upang matulungan silang maipagpatuloy ang kanilang mga negosyo sa gitna ng pandemya.

Hanggang noong February 19, ang SB Corp. ay nakapagpalabas na ng PHP2.21 billion loans sa ilalim ng CARES program.

“The LSP-NSB program also provides business advisory assistance and services to MSMEs that were affected by natural and human-induced calamities,”  ayon sa DTI.

Samantala, ang SSF program ng DTI ay nagkakaloob sa MSMEs ng machinery, equipment, tools, at systems, sa ilallm ng shared system para mapag-ibayo ang kanilang competitiveness.

Ipinagkakaloob ng DTI ang naturang mga pasilidad sa pamamagitan ng mga koopera­tiba. PNA

Comments are closed.