(Iginiit ng labor group) P33K MINIMUM WAGE SA GOV’T WORKERS

MULING ipinanawagan ng labor group na Kilusang Mayo Uno ang P33,000 na minimum monthly wage para sa mga empleyado ng pamahalaan.

Ginawa ng grupo ang panawagan sa pagdiriwang ng ika-74 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights.

Ayon kay KMU Secretary General Jerome Adonis, patuloy nilang isusulong ang mga hakbang upang mapataas ng P1,100 ang minimum wage ng mga empleyado sa pampublikong sektor.

Giit ng grupo, karapatan ng mga manggagawa ang magkaroon ng sapat at tamang suweldo lalo na sa mga ganitong panahon na apektado ang lahat ng nararanasang krisis sa ekonomiya. DWIZ 882