(Iginiit ng PCOO) SEGURIDAD NG MEDIA WORKERS

Undersecretary Joel Sy Egco

MULING  isinulong ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang pagtitiyak sa seguridad, proteksiyon  at benepisyo para sa mga manggagawa sa media industry sa gitna na rin ng pakikipaglaban ng bansa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Kaugnay nito ay muling nanawagan si PCOO Undersecretary Joel Egco sa Kongreso  na ipasa na ang panukalang Media Workers’ Welfare Act.

Ayon kay Egco, sa kabila ng  panganib na dala ng COVID-19 pandemic sa bansa ay  patuloy pa rin sa pagtatrabaho ang mga taga-media para magampanan ang kanilang tungkulin na maghatid ng balita.

Iginiit ni Egco na ito ang panahon na makikita ang pangangailangan para sa pagpasa ng batas na tutugon sa pangangailangang seguridad at titiyak sa kalagayan ng mga media worker.

Sa ilalim ng House Bill 2746 o ang Media Workers’ Act, pagkakalooban ng mandatory additional insurance benefits ang mga media worker  sa pamamagitan ng SSS at GSIS, death at disability benefits at reimbursement sa medical expenses. DWIZ 882