(Iginiit ng solon) HAZARD PAY SA FRONTLINERS

Rep Raymond Mendoza

HINIKAYAT kahapon  ni  House Committee on Labor and Employment Vice Chairman at TUCP party-list Rep. Raymond Mendoza ang gobyerno na bigyan ng 25% hazard pay sa ilalim ng Bayanihan Act ang lahat ng frontline workers kapwa sa public at private sector.

Iginiit ni Mendoza na tulad ng mga pampublikong sektor ay nararapat din na mabigyan ng 25% hazard pay ang mga nasa pribadong sektor.

Ang lahat, aniya, ay nahaharap sa banta ng pagkakaroon ng impeksiyon  para lamang tuloy-tuloy ang pagbibigay nila ng serbisyo.

Kabilang sa mga frontliner  na pinabibigyan ng 25% hazard pay ay ang mga nasa media, bangko, supermarkets,, security, manufacturing, sanitation, food industry, delivery at trucking at ang iba pang mga nagtatrabaho sa panahon ng enhanced community quarantine.

Ang mga ito, aniya, ay dapat na nabibigyang pansin at natatrato nang patas sa ganitong panahon ng krisis.

Sinabi pa ni Mendoza na itinuturing na mga bayani ang mga frontliner  at magsisilbing token lamang ang 25% hazard pay bilang pagkilala sa kanilang pagsasa-kripisyo dahil tulad ng iba ay may mga pangangailangan at may mga pamilya ring umaasa sa kanila. CONDE BATAC

Comments are closed.