(Iginiit sa IATF) VACCINE PASSPORT SA OFWS

Panfilo Lacson

IGINIIT ni Senador Panfilo Lacson ang pag-kakaroon ng vaccine passport para sa umuuwing overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon sa senador, hindi na dapat maabala ang paggalaw ng mga umuuwing  OFW at mga dayuhang negosyante na ganap nang bakunado sa mga bansang pinanggalingan kaya dapat na magkaroon ng vaccine passport.

Ginawa ng senador ang pahayag makaraang dumagsa ang  reklamo ng mga pumapasok sa bansa bunga ng napakahigpit pa ring protocol na ipinatutupad ng mga awtoridad kahit pa sa mga kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19 sa mga bansang pinag-mulan.

Ayon kay Lacson, dahil sa polisiyang ito ay nagdadalawang-isip na umuwi ang maraming OFWs kahit pa napakahalaga ng pakay nila, bunga na rin ng matagal na pagkakatengga bago makarating sa patutunguhan batay sa umiiral na protocols.

“For our returning OFWs, at most, we might require them to take a swab test then allow them to go home, then require them to stay at home for 10 days. No need to require them to stay at a hotel. Most of the time, OFWs return to the country because of an emergency. But if you are an OFW and you are required to be quarantined for 10 days, how many days of your leave will go to waste? I don’t think that makes sense,” sabi ni Lacson sa panayam ng ANC.

Ganito rin, aniya, ang sitwasyon ng mga dayuhang gustong maglagak ng puhunan sa bansa.

“Also, our tourism sector and investment will suffer. If a potential investor who would like to come here learns of the requirements that include a swab test and stay at a quarantine facility not of his or her choice, would he or she still come?” dagdag ni Lacson.

Dahil dito ay hinikayat ng mambabatas ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na itono nang maayos ang mga pinaiiral na protocol batay sa mga bansang pinanggalingan upang hindi na maabala pa ang mga dumarating sa Filipinas.

Bukod dito, iginiit ng senador na dapat nang bigyan ng kalayaan ang mga pinuno ng mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang sistema laban sa COVID-19 batay sa sitwasyong personal na nakikita at karanasan ng mga ito.

Kabilang sa mga binanggit ni Lacson ay ang pagbabakuna sa A4 sector kung saan may mga sitwasyong hindi umano pinapayagan na maturukan ang mga edad na nasa mahigit 39 dahil ang limitasyon ay 40-anyos.

“Perhaps our regulations should be a bit open-ended instead of being too restrictive, to allow those on the ground to make decisions,” apela ng mambabatas. LIZA SORIANO

7 thoughts on “(Iginiit sa IATF) VACCINE PASSPORT SA OFWS”

  1. 900985 6676Chaga mushroom tea leaf is thought-about any adverse health elixir at Spain, Siberia and a lot of n . Countries in europe sadly contains before you go ahead significantly avoidable the main limelight under western culture. Mushroom 252157

  2. 348151 990632This internet internet site is often a walk-through for all of the understanding you wanted concerning this and didnt know who need to. Glimpse here, and you will totally discover it. 518885

  3. 665473 919726The luxury proposed might be incomparable; citizens are never fail to looking for bags can be a Native goals. The concept numerous insert goals uniquely to push diversity with visibility during the travel and leisure arena. Hotels Discounts 917344

  4. 404665 332178Following examine a couple of of the weblog posts on your internet site now, and I genuinely like your manner of blogging. I bookmarked it to my bookmark site record and will probably be checking back soon. Pls take a appear at my internet page as well and let me know what you believe. 820545

Comments are closed.